Ang nasabing bilang ng mga kalahok ay tumabon sa 48 teams na su-mali noong 1997 mula sa mga ibat ibang kolehiyo at unibersidad na karamihan mula sa Metro Manila area ng una itong inilunsad.
Sa ikalawang pagkakataon, magiging venue ang La Salle Greenhills Beach Volleyball Court para sa Metro Manila eliminations sa Abril 6-7.
Ang unang elimination leg ay idinaos noong Marso 9-10.
Ang mga manlalaro mula sa Visayas-Mindanao ay mabibigyan ng pagkakataon na maipamalas ang kani-kanilang husay sa Abril 13-14 at Abril 17-18, ayon sa pagkakasunod.
Ang mga finalists sa dalawang elimination na ito ang siyang ipapadala sa Boracay para sa grand finals ng event na ito na suportado ng Speedo, ang opisyal outfitter ng tournament, Mikasa at Asian Spirit.
Aabot sa mahigit P500,000 ang mga premyong maaaring mapag-wagian ng finalists na ang magkakampeon sa mens at womens division ay tatanggap ng tig-P100,000.
Pagkakalooban naman ang paaralan na kanilang kakatawanin ng P50,000 halaga ng sports equipment.