^

PSN Palaro

Ikaapat na sunod na panalo balak ng Phone Pals

-
Ikaapat na sunod na panalo ang nais maikonekta ng Talk N Text Phone Pals sa kanilang pakikipagharap sa inaalat na Barangay Gi-nebra sa pagpapatuloy ngayon ng eliminations ng Samsung-PBA Governors Cup sa Cuneta Astrodome.

Magsasagupa ang Gin Kings at Phone Pals sa pambungad na laban sa ganap na alas-3:45 ng hapon na susundan naman ng sagupaang Alaska Aces at Coca-Cola Tigers sa dakong alas-5:45 ng hapon.

Ikalimang panalo sa ikapitong laban naman ang puntirya ng Tigers laban sa Aces na maglalapit sa kanila sa eight team quarterfinals.

Matapos matalo sa kanilang debut game, tatlong sunod na panalo ang naitala ng Phone Pals, ang huli ay ang 98-96 panalo sa mahigpit na pakikipaglaban kontra sa defending champion Sta. Lucia Realty noong Marso 7.

Sa likod ng panalong ito, naghimutok ang kontrobersiyal na American coach na si Bill Bayno na nagpahayag ng kanyang pagkayamot sa officiating na dahilan para ipatawag ito ni PBA Commissioner Jun Bernardino para pagsabihan.

Inaasahang muling pangungunahan nina imports Richard Frahm at Gerald Honneycut ang Talk N Text na tatapatan naman nina Jarrod Gee at Desmond Ferguson para sa Ginebra.

Sa likod ng 30-point performance ni Ferguson, nalasap ng Ginebra ang 74-82 pagkatalo mula sa kanilang kapatid na kumpanyang Coca-Cola noong Marso 9 sanhi ng kanilang 1-4 record.

Dahil dito, kinakailangang pag-ibayuhin ni Gee ang kanyang pag-lalaro katulong sina Jun Limpot, Mark Caguioa at rookie Chester Tolomia sakaling di pa rin makakalaro ang injured na si Vergel Meneses.

ALASKA ACES

BARANGAY GI

BILL BAYNO

CHESTER TOLOMIA

COCA-COLA TIGERS

COMMISSIONER JUN BERNARDINO

CUNETA ASTRODOME

DESMOND FERGUSON

GERALD HONNEYCUT

PHONE PALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with