Nagsalpak si import Bobby Parks ng dalawang krusiyal na free throws at split charity shot naman si Joel Co sa final na minuto upang ihatid ang Spring sa kanilang pag-sweep sa four-game eliminations.
Naging mahigpitan ang sagupaan ng dalawang koponan mula um-pisa hanggang sa huling bahagi ng sagupaan kung saan naitala ng Spring ang pinakamalaking kalamangan sa 75-68 sa third canto.
"Ibinuhos naming talaga dahil gusto naming makuha ang momentum for the finals bukas," pahayag ni Spring coach Tito Palma.
Ito ang kauna-unahang pagkatalong nalasap ng Guardo matapos na maipinta ang ikatlong sunod na panalo. Ipinormalisa ng Cebuanos ang kanilang pag-entra sa final sa pamamagitan ng 109-78 pagdurog sa Tong Whye Singapore noong Miyerkules ng gabi.
Natikman naman ng Singapore ang kanilang ikatlong sunod na pag-katalo sa event na ito na suportado ng Osaka Iridology, Uniherb, Accel, YKL Films, Molten, Absolute Water, Burlington at PCSO.
Muling maghaharap ang Oil Masters at ang Lhuillier sa ganap na alas-5:30 ng hapon ngayon upang pag-agawan ang korona.
"It maybe an all-Filipino final but this will be an interesting match-up since Guardo is still considered a local team while Spring is from Manila. We all know the rivalry between Manila and Cebu teams," pahayag ni Guardo team manager Jerry Guardo.
Paglalabanan naman ng Petronas Malaysia at Aspac-Texmaco Indonesia ang konsolasyong ikatlong puwesto sa ganap na alas-4 ng hapon.