^

PSN Palaro

Balik sa Bulacan ang PBA

-
Naitakas ng Purefoods TJ Hotdogs ang 72-70 panalo nang kanilang maungusan ang kapatid na kumpanyang San Miguel Beer sa pagpinid ng eliminations ng PBA Samsung Governors Cup sa Makati Coliseum kagabi.

Umalagwa si import Derrick Brown sa ikaapat na quarter sa paghakot ng 15 puntos sa kanyang tinapos na 26 puntos at inalat naman ang Beermen sa mga krusiyal na basket na siyang nagkaloob sa TJ Hotdogs ng ikalimang panalo sa anim na pakikipaglaban.

Bunga ng panalong ito ng TJ Hotdogs, halos nakakasiguro na ito ng puwesto sa eight-team quarterfinal round at kailangan na lamang nito ng isang panalo upang ipormalisa ang kanilang pagsulong sa susunod na round.

Nasayang ang naipundar na 13-puntos na kalamangan ng Beermen, 57-44 sa ikatlong quarter nang unti-unti itong napudpod sa final canto sanhi ng kanilang ikaapat na pagkatalo sa 6- laro.

Buhat sa 60-40 kalamangan ng San Miguel, umaatikabong 21-8 pro-duksiyon ang pinakawalan ng Purefoods upang agawin ang trangko sa 69-68 mula sa dalawang free throws ni Brown papasok sa huling dalawang minuto ng laro.

Agad namang nabawi ng SMB ang pangunguna mula sa basket ni import Lamont Strothers, 70-69 ngunit nakahugot ng foul si Brown mula kay Dwight Lago upang ibalik ang bentahe sa Purefoods sa 71-70, may 39.4 segundo na lamang sa laro. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

BEERMEN

CARMELA V

DERRICK BROWN

DWIGHT LAGO

LAMONT STROTHERS

MAKATI COLISEUM

PUREFOODS

SAMSUNG GOVERNORS CUP

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with