^

PSN Palaro

Spring Cooking Oil pasok na sa finals

-
CEBU CITY–Nagpakawala ng umaatikabong opensa ang reinforcements na sina Bobby Parks at Hamsa Jihad upang trangkuhan ang RP-Spring Cooking Oil na pabagsakin ang Petronas Malaysia, 93-83, upang palakasin ang kanilang inaasam na All-Filipino final sa Southeast Asian Basketball Cham-pion’s Cup sa Cebu Coliseum dito.

Nagsama ng lakas ang seven-time PBA best import na si Parks at Jihad sa kinanang 28 puntos para sa 37-puntos na produksiyon ng koponan sa final canto para ihatid ang Spring sa kanilang ikatlong sunod na panalo sa tourney na ito na magkatuwang na inorganisa ng Basketball Association of the Philippines at Cebu Basketball League.

Humakot si Jihad, ang American coach ng Brunei National team na nagtungo sa bansa upang masubukan ang kanyang kakayahan sa paglalaro dito ng 28 puntos, habang 27 naman ang tinapos ni Parks na nagdala sa Spring na maokupahan ang unang final seat.

Ipinagpatuloy naman ni Joel Co ang kanyang pananalasa nang mag-ambag ito ng 22 marka upang makapagbigay ng suporta sa kanilang dalawang imports.

"Our imports are capable of doing what they do best at any given time. But when they pull over in offense, the locals can take their turn to," pahayag ni Spring coach Tito Palma.

Inaasahan na maitatala rin ng RP-Guardo, ang isa pang koponan ng Pilipinas na makikipaglaban para sa slot sa ABC Champions Cup na nakatakda sa susunod na buwan sa Malaysia kontra Singapore na kasalukuyang naglalaban habang sinusulat ang balitang ito.

Nabalewala ang pinagpagurang tig- 28 puntos nina import Khalid Livingston at K. Saryaseelan ng hindi makaligtas ang Malaysia na malasap ang kanilang ika-2 sunod na pagkatalo matapos ang tatlong asignatura sa five-day event na ito na suportado ng Osaka Iridology, Uniherb, Accel, YKL Films, Molten, Absolute Water, Burlington at PCSO.

Mula sa 68-66 pagkakalapit ng Malaysia, isang 24-3 bomba ang pinasabog ng Spring ang naghatid sa kanila sa kampanteng 91-71 kalamangan patungong huling dalawang minuto ng labanan.

vuukle comment

ABSOLUTE WATER

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BOBBY PARKS

BRUNEI NATIONAL

CEBU BASKETBALL LEAGUE

CEBU COLISEUM

CHAMPIONS CUP

HAMSA JIHAD

JOEL CO

KHALID LIVINGSTON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with