Itoy makaraang isampa ng QC Council ang isang resolusyon sa Konseho na nago-otorisa kay QC Mayor Feliciano SB" Belmonte na pumasok sa isang kasunduan sa pagitan ng pribadong sektor para idevelop ang Amoranto Sports Complex bilang isang world class Sports and Entertainment Complex sa nabanggit na lungsod.
Nakasaad sa resulosyon na iniakda nina councilors Ricky del Rosario, Ariel Inton at Voltaire Liban, na gagawing world class sports complex ang Amoranto Sports Complex upang makatulong ang kikitain dito sa pagpapataas ng revenue ng QC government.
Ang city government sa tulong ng private sector sa ilalim ng Republic Act 7718 na kilala bilang Built, Operate and Transfer (BOT) law ang siyang magpopondo sa pagsasaayos at pagdevelop sa Amoranto Complex.
Kaugnay nito, sinabi ni councilor Inton na ang lungsod ay patuloy na humahanap ng private contractor na aako sa gagastusin sa pagdevelop sa naturang sports complex.
Upang makaiwas sa intriga, isang public bidding ang kanilang itatakda para sa mga contractors na nais at interesadong magdevelop sa Amoranto Complex.
Sa kasalukuyan, ang Amoranto Complex ay may pasilidad para sa swimming pools, track and field oval, basketball at tennis courts at maaari pang madagdagan ang mga pasilidad dito oras na maipatupad ang pagdevelop sa nabanggit na sports complex. (Ulat ni Angie dela Cruz)