Realtors lusot sa Selecta-RP
March 13, 2002 | 12:00am
Gumana ang depensa ng Sta. Lucia Realty sa ikalawang bahagi ng labanan upang makabawi sa kanilang mahinang first half at isulong ang 61-55 panalo laban sa Selecta-RP Team sa pag-usad ng Samsung-PBA Governors Cup sa PhilSports Arena kagabi.
Nalimitahan ng Realtors ang Nationals sa 16 puntos lamang sa second half, anim na puntos sa ikatlong quarter at humakot ng 36 puntos upang makabangon sa 14 puntos na pagkakabaon sa first half tungo sa kanilang ikalawang panalo matapos ang 5 pakikilaban.
Pinangunahan ni import Mark Davis ang Sta. Lucia sa kanyang tinapos na 25 puntos katulong sina Victor Thomas at Francis Belano na may tig-13 puntos upang ipalasap sa RP-Selecta ang kanilang ikalimang kabiguan sa 6 na laro.
"We didnt shot the ball well in the first half," pahayag ni Sta. Lucia coach Norman Black.
Pinangunahan ni Belano ang 14-2 run na kinatampukan ng kanyang dalawang tres upang ihatid ang Realtors sa 10 puntos na pangu-nguna, 57-47 at kinapos naman ang Selecta sa kanilang paghahabol.
Sa unang salang ni Eric Menk mula sa injury list, tumapos ito ng 9 puntos para sa Selecta na di nakaasa kina Jimmy Alapag na injured ang daliri at Dennis Espino na hindi nakalaro dahil ang mother team na Sta. Lucia ang kanilang kalaban na ipinagbabawal ayon sa PBA rule.
Sa tulong nina Paul Asi Taulava, Duremdes at Menk, kinontrol ng RP-Selecta ang unang bahagi ng labanan upang kunin ang 17-9 pangunguna papasok sa susunod na quarter.
Umabante ng 14-puntos ang Selecta sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang basket ni Taulava, 26-12 na tumapos ng 9-0 run tam-pok ang bibihirang four-point play ni Chris Calaguio. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended