RP-Guardo Lhuillier tinuruan ang Malaysian
March 12, 2002 | 12:00am
CEBU CITY -- Ipinakita ng RP-Guardo Lhuillier ang kanilang impresibong porma upang pabagsakin ang Malaysia 74-65 sa 5th SEABA Champions Cup sa Cebu Coliseum.
Gumamit ang Filipinos ng pinagsama-samang attack-and-kickout offense upang kulungin ang Malaysian ballhandlers at i-double team ang kanilang American import na si Jamal Livingston para ma-kontrol ang laban simula umpisa hanggang sa matapos tungo sa tagumpay.
Maagang nag-init ang Filipinos nang agad itala ang 34-23 bentahe sa pangunguna ni dating MBA Cebu Gem Jerry Jaca bago tapusin ang halftime sa iskor na 49-39.
Lumayo pa ang mga Pinoy ng hanggang 60-43 at medyo nagpahinga tungo sa pagtatapos ng laro sa torneong ito na inorganisa ng Basketball Association of the Philippines at Cebu Basketball League.
Nanguna si Jaca para sa RP team sa kanyang ikinamadang 22 puntos habang si Livingston na hindi nakalusot sa mahigpit na depensa ng Cebu-based American na si Darryl Smith ay nagtapos ng may 29 puntos para sa Malaysian.
Gayunpaman, kakaibang Malaysian team ang napanood noong Linggo ng gabi nang sumandal ito sa 25 points performance ni Livingston at itala ang 92-61 panalo kontra sa Singapore sa torneong ito na suportado ng Osaka Iridology, Uniherb, Accel, YKL Films, Molten, Absolute Water, Burlington at PCSO.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended