PBL rookie draft ngayon

Umaasa ang mga PBL rookies na makakuha ng slot sa kahit saang team sa pagdaraos ng PBL Rookie Draft ngayon sa PBL office sa Makati Coliseum.

May kabuuang 36 mula sa 140 aspirante ang nagpakita sa Rookie Camp nong Huwebes at may malaking tsansa na makuha ng mga PBL coaches upang palakasin ang kanilang lineup sa drafting sa ganap na ala una ng hapon.

Kabilang sa mga nagpakitang-gilas ay sina Francis Machica ng Adamson U, Nazir Kiram ng PSBA, James Zablan ng FEU, Rudolf Ellinger ng UM, Lago Raterta at 6’6 Al Federiso ng UST, Elbert Alberto at Pet Duyag ng University of Assumption-Pam-panga, Theody Habelito ng MLQU, Joel Finuliar ng JRU, Kim Macanig ng PCU at Tito Reyes ng DLSU-Dasmariñas.

Kasama din ang mga Fil-Foreigners na sina Kim Tigley ng Seneca College, Richard dela Peña ng Mount Royal College-Canada at Antonio Reyes ng Australia.

Pero, nakapag-scout din ang mga PBL coaches ng kani-kanilang sariling kukuning players.

Ang mga pipili sa Drafting ay ang Ateneo-Pioneer na may first pick susundan ng Montana Pawnshop, Ana Freezers, Blu Detergent, ICTSI-DLSU, Kutitap Toothpaste at Shark Energy Drink.

Ang baguhang John-O Juzz ay 8th pick sa first round at first pick sa second round susundan ng ilang teams sa ganun ding order.

Show comments