Pinayuko ng titlist pair nina Bryan Esquibel at Vir-gilio Castillo Jr. ang tambalan nina Patrick Aaron Andan at Juan Paolo Gomez, 21-17.
Nauna rito, pinasadsad ng pareha nina Sher-rilyn Carrillio at Cathlea Villaluz sina Jovielyn Abille at Melanie Chua, 21-8.
Nagtala din ng kanilang ikalawang panalo sa womens class ang St. Jude College na nanaig sa Lyceum, 22-2; PCU na nanalo sa UAP, 21-19; Mapua kontra sa DLSU, 21-11; UE laban sa PS-BA, 21-13; at PNU kontra sa Adamson, 21-0.
Sa kalalakihan naman nailista din ng Adamson ang kanilang ikalawang panalo nang igupo nila ang San Beda College, 21-14; College of St. Benilde na namayani sa PWU, 21-11; UE kontra PSBA, 21-19; FEU laban sa CSB, 21-18 at PATTS kontra sa PSCA, 21-7.
Naitala naman ng Trinity ang kanilang unang pa-nalo nang hindi sumipot ang kanilang kalaban na University of the Philippines habang namayani ang PUP kontra naman sa New Era College para sa kanilang unang panalo.
Muling magbabalik ang aksiyon para sa second round ng Metro Manila eliminations sa Abril 7-9, kung saan ang pangunahing apat na koponan ang pipiliin para sa kara-patang lumahok sa quarterfinals, semis at finals na gaganapin sa Boracay.
Magkakaroon din ng Luzon eliminations sa Abril 13-14 at Visayas-Mindanao eliminations sa Abril 17-18 sa DLSU-Greenhills kung saan ang top two teams ang makakasama ng Luzon at Visayas-Mindanao ang makakalaban ng apat na pangunahing teams sa Metro Manila kung saan may nakatayang P100,000 premyo sa champion team.