^

PSN Palaro

Alaska bagsak sa FedEx

-
Nakabawi si import Tim Moore sa kanyang 4-point performance na naging dahilan ng nakaraang pagkatalo ng FedEx nang kanyang pangunahan ang 83-69 panalo ng Express kontra sa Alaska Aces sa pag-usad ng PBA-Samsung Governors Cup eliminations sa Ynares Center kahapon.

Ang 28-point performance ni Moore bukod pa sa 8-rebounds at tigalawang steals at blocks ay isang mensahe para sa FedEx management na karapat-dapat pa itong manatili sa koponan matapos lumutang ang balitang papalitan ito.Malaking epekto sa Aces ang mahinang performance ni Muntrell Dobbins na tumapos lamang ng 8-puntos sanhi ng ikalawang pagkatalo sa 5-laro katabla ang RP-team Hapee.

Katulong ni Moore si import Jermaine Walker na tumapos naman ng 27-puntos at Paul Alvarez na nag-ambag ng 14-puntos, 10 sa 14-2 run sa ikaapat na quarter kung saan ibinandera ng Express ang pinakamalaking kalamangan na 19-puntos, 83-64 tungo sa kanilang tagumpay.

Sa unang bahagi pa lamang ng labanan, kumayod na si Moore matapos magtala ng 14-puntos sa unang canto at ihatid ang FedEx sa 48-36 kalamangan sa halftime.

Kinumplimentuhan naman ni Walker ang pagiging masigasig ni Moore nang magtrabaho ito sa ikatlong quarter sa pagkayod ng 11-puntos upang panatilihing nasa double digit ang kalamangan ng Express.

Sa ikalawang laro, naitala ng San Miguel Beer ang kanilang ikalawang sunod na panalo makaraang payukurin ang Shell Turbochargers, 76-72. (CVOchoa)

vuukle comment

ALASKA ACES

HAPEE

JERMAINE WALKER

MUNTRELL DOBBINS

PAUL ALVAREZ

SAMSUNG GOVERNORS CUP

SAN MIGUEL BEER

SHELL TURBOCHARGERS

TIM MOORE

YNARES CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with