^

PSN Palaro

FEU, UST beach spikers namayani

-
Maagang nagparamdam ng lakas ang Far Eastern University at University of Santo Tomas nang kapwa maagang nakapagrehistro ng panalo sa panimula ng 6th Nestea Beach Volley University Championships Metro Manila eliminations sa De La Salle-Greenhills.

Nagtulong ang tambalang Randy Fallorina at Jeoffrey Butch Guevarra ng FEU upang patahimikin ang parehas nina Ace dela Cruz at Gideon Orceo ng PWU, 21-18, habang nagsanib ang lakas nina Christian Fernandez at Nimrods Ruelos ng UST upang igupo ang Fatima University, 21-8 sa men’s division.

Sa iba pang laban ng mga kalalakihan, pinabagsak ng University of Asia and Pacific ang Trinity College, 21-18, iginupo ng PATTS ang PSBA, 21-18, pinayuko ng San Beda College and New Era College, 21-14 at namayani na-man ang Lyceum kontra sa National University, 21-19.

Sa kababaihan, binigyan ng matinding laban ng tambalan ng aktres na si Isabel Granada at Connie Luzabio ng PATTS College of Aeronautics bago tuluyang yumuko sa PSBA duo na sina Clarissa Capili at Marichel Laguerta 22-20.

At sa iba pang resulta ng women’s division, pinaluhod ng UAP ang Trinity College, 21-13, pinayuko ng MIT ang PWU, 21-13, pinasadsad ng Philippine Normal University ang College of St. Benilde, 22-20 at minasaker ng San Juan de Letran ang AMACC, 21-7.

Samantala, binigyang kasiyahan ng ilang artista ang mga manonood sa pamamagitan ng isang celebrity games.

May kabuuang 32 team sa men’s division habang 24 naman sa women’s side ang nag-lalaban-laban sa torneong ito kung saan nakataya ang P100,000 premyo sa tatanghaling kampeon sa finals na gaganapin sa Boracay sa Mayo 11-12.

vuukle comment

CHRISTIAN FERNANDEZ

CLARISSA CAPILI

COLLEGE OF AERONAUTICS

COLLEGE OF ST. BENILDE

CONNIE LUZABIO

DE LA SALLE-GREENHILLS

FAR EASTERN UNIVERSITY

FATIMA UNIVERSITY

GIDEON ORCEO

TRINITY COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with