Milo Checkmate sa Pasig sisimulan sa Marso 18

Magbubukas ang Milo Checkmate ng kanilang classes sa Pasig sa kauna-unahang pagkakataon simula sa Marso 18 sa Happy Nest Center na matatagpuan sa 2/F Bramante Piazza Bldg., Rennaisance Center, Meralco Avenue, Ortigas.

Ang limang araw na pag-aaral ay nakatakda mula alas-8-am-12pm at ito ay bukas para sa lahat ng aspiranteng chess players na may limang taon pababa.

Kabilang sa checkmate ang mga kursong preparatory, beginners, intermediate at advance players.

Puwede ng magpatala sa Happy Nest Center o kaya ay sa 2/F Centermall, Greenhills Shopping Center o kaya’y tumawag sa MCC sa 8268560 at 09168521069 o e-mail milo-chess@edsamail.com.ph.

Show comments