^

PSN Palaro

Slimmers World 8K Run

-
Humakot ng malaking atensiyon ang Slimmers World 8K Run na nakatakda sa Marso 17 ng apat na major sponsors ang nagbigay ng kani-kanilang malaking suporta upang maseguro ang tagumpay ng nasabing karera.

Ang mga major sponsors ay kinabibilangan ng Dole Singles, Manly Sportswear, Sustagen Premium at Kellogs Cornflakes.

At bilang karagdagan, ang karera ay suportado rin ng Gardenia Bread, Lactacyd, Nestle Taho & Yogurt, AIG Credit Card, Squibb Natural Vitamin E at lalo na ang paglahok ng Carnacion Calcium Plus, Newtex, Kotex, Cafe Puro Bomba Energy Drink, Imedeen, Cellasene, Addlife COQ10 at Happydent Chewing Gum.

Ang sporting event na ito ay magsisimula at magtatapos sa Greenhills Shopping Center sa Ortigas Ave., na inorganisa ng Slimmers World International, ang ultimate Fitness and Slimming. Nakataya rito ang kabuuang cash prize na P35,000 sa top three finishers male at female. Ang kampeon ay tatanggap ng P10,000 at gold medal, ang runner-up ay P5,000 at silver medal, habang ang third place ay pagkakalooban ng P2,500 at bronze medal. Ang lahat ng finishers ay tatanggap ng t-shirt at gift items mula sa kani-kanilang mga sponsors.

Kasalukuyan ng ginaganap ang registration sa ground floor ng Vasquez Madrigal Plaza sa 51 Annapolis St. Sa San Juan gayundin sa lahat ng Slimmers World International Branches. Ang registration fee ay P100. Itinakda ang huling araw ng patalaan sa Marso 12. Ang sinumang interesadong lumahok ay inaabisuhang magpatala ng maaga dahil walang extension na ibibigay at wala ring registration sa araw mismo ng karera.

ANNAPOLIS ST. SA SAN JUAN

CARNACION CALCIUM PLUS

CREDIT CARD

DOLE SINGLES

FITNESS AND SLIMMING

GARDENIA BREAD

GREENHILLS SHOPPING CENTER

HAPPYDENT CHEWING GUM

KELLOGS CORNFLAKES

MANLY SPORTSWEAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with