"Theyre in tip-top shape. Theyd give their best for the countrys sake," pahayag ni Padilla, national pistol champion at consistent international medalist at ayon naman kay de Jesus, sinabi nito na ang kanilang mga bataan ang siyang magdadala ng bandila ng bansa sa limang araw na tournament.
Babanderahan nina seven-time PBA best import Bobby Parks at Richard Ramey ang kampanya ng Spring Cooking Oil na nagdomina noong nakaraang taon sa National Open tournament makaraang igupo ang paboritong Koreans team.
Sila ay susuportahan nina Yong Garcia, Ricky Ricafuente, Allan de Castro, Joel Co, Mario Reyes, Ramil Ferma, Mike Buendia, Bong Martinez, Guiness Nabung at Macky Torres.
Magpapakita ng aksiyon ang Spring kontra sa Petronas Malaysia, Tong Whye Singapore, Aspac Texmaco Indonesia at isa pang local team ang Cebu Selection.
Ang top two finishers sa Cebu tourney ang siyang magku-qualify sa ABC Champions Cup tournament na nakatakda sa Abril 28 sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Napagwagian din ng Spring ang Danny Espiritu Cup at Mayor Lito Atienza Cuo noong nakaraang taon at nakatakda sanang makalaro ang Sta. Lucia Realty sa goodwill match sa Israel noong Enero.