^

PSN Palaro

Padilla, de Jesus, optimistiko sa tsansa ng Spring Cooking Oil

-
Optimistiko ang co-owners ng Spring Cooking Oil basketball team na sina Nathaniel ‘Tac" Padilla at Herbert de Jesus sa magiging tsansa ng kanilang koponan sa nalalapit na 5th SEABA Champions’ Cup tournament na magbubukas sa Marso 10 sa Cebu Coliseum sa Cebu City.

"They’re in tip-top shape. They’d give their best for the country’s sake," pahayag ni Padilla, national pistol champion at consistent international medalist at ayon naman kay de Jesus, sinabi nito na ang kanilang mga bataan ang siyang magdadala ng bandila ng bansa sa limang araw na tournament.

Babanderahan nina seven-time PBA best import Bobby Parks at Richard Ramey ang kampanya ng Spring Cooking Oil na nagdomina noong nakaraang taon sa National Open tournament makaraang igupo ang paboritong Koreans team.

Sila ay susuportahan nina Yong Garcia, Ricky Ricafuente, Allan de Castro, Joel Co, Mario Reyes, Ramil Ferma, Mike Buendia, Bong Martinez, Guiness Nabung at Macky Torres.

Magpapakita ng aksiyon ang Spring kontra sa Petronas Malaysia, Tong Whye Singapore, Aspac Texmaco Indonesia at isa pang local team ang Cebu Selection.

Ang top two finishers sa Cebu tourney ang siyang magku-qualify sa ABC Champions’ Cup tournament na nakatakda sa Abril 28 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Napagwagian din ng Spring ang Danny Espiritu Cup at Mayor Lito Atienza Cuo noong nakaraang taon at nakatakda sanang makalaro ang Sta. Lucia Realty sa goodwill match sa Israel noong Enero.

ASPAC TEXMACO INDONESIA

BOBBY PARKS

BONG MARTINEZ

CEBU CITY

CEBU COLISEUM

CEBU SELECTION

DANNY ESPIRITU CUP

GUINESS NABUNG

JOEL CO

SPRING COOKING OIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with