Osaka, Pangasinan nagsanib
March 7, 2002 | 12:00am
Ipinormalisa ng Osaka Iridology ang kanilang pag-entra sa MBA noong Martes ng gabi nang makipagpareha sa Pangasinan Waves sa unang kumperensiya na magsisimula sa Abril 6.
"Im happy that were finally in the MBA. Were looking forward to a lasting relationship with the Waves and, of course, the league," pahayag ni Jonathan Guardo, pangulo at chief executive officer ng nationwide company na may specialize sa pangangasiwa ng kalusugan.
Sina Guardo at ang kanyang kapatid na si Jerry, Osaka vice president for sales and services ay lumagda ng memorandum of agreement kasama sina Waves Tim Orbos at Lawrence Chongson. Ang koponan ay kikilalaning Osaka-Pangasinan Waves.
"It (Pangasinan) is a very strong team. With Clay (Chris) and Adducul (Romel) around, we have a built-in edge," ani pa ni Guardo. "And with a formidable team, youll get more media mileage."
Sinabi ni Guardo na sa ilalim ng MOA, mananatili ang team management sa Orbos group, habang ang Osaka na may 40 branches sa buong bansa ang siyang maglalaan ng financial support at mag-aasiste sa marketing aspect.
Upang palakasin ang kampanya ng Waves, ang koponan ay igigiya ni Chongson, ayon pa kay Guardo, irerekomenda niya ang dalawang Cebuano stalwarts, isa mula sa University of Visayas na si Junel Magla-sang.
Ang 6-foot-2 na si Maglasang ang starting off-guard ng Osaka-Cebu team sa Cebu Basketball League kung saan si Guardo ang siyang humahawak.
Inihayag din ni Guardo, Chairman rin ng Cebu Sports Commission, na kanilang ililipat ang homecourt ng Waves na mula sa Lingayen patungong Dagupan City na mas higit na kaaya-aya.
Ang iba pang miyembro ng Waves ay sina dating Andoks San Juan Knights Randy Alcantara, Gilbert Castillo at Vilmer Banares; Paul Du, Francis Aquino, Bernard de Guia, Joshua Lambert, Julius David, Carlos Garcia at Fil-Am Rob Johnson.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended