^

PSN Palaro

Metro Manila elims, 42 K na sa Milo Marathon

-
Opisyal na.

Nagdesisyon na ang organizers ng National Milo Marathon, ang pinakamalaki at mahabang karera sa bansa na panatilihin ang full 42K marathon distance para sa Metro Manila elimination na naka-takda sa Hunyo 23 ngayong taong.

Sa pagdiriwang noong nakaraang taon ng ika-25th anibersaryo ng Milo Marathon, humiling ang mga marathon runners sa Nestle-Philippines ang siyang nagtataguyod ng nasabing karera ng panibagong full marathon bukod sa national finals at bilang tugon sa kanilang primary objective na i-promote ang karera sa bansa, kaya’t ang Metro Manila qualifying race ay kanilang pinalaki mula sa 20 kilometrong distansiya ito ay gagawin ng 42K.195 marathon distance.

At dahil sa naging malaking tagumpay ng nasabing programa noong nakaraang taon na humakot ng atraksiyon ng mahigit sa 36,000 runners mula sa regional at national finals events, hindi lang ang Metro Manila elimination ang pananatilihing full kundi maging ang regional races na 10K qualifying run ay gagawin na ring 20K race, ayon kay Milo Sports Executive Jackby Jaime.

Maagang ipinalabas ang nasabing pagbabago upang ang mga local runners ay makapaghanda ng kani-kanilang training programs at inaasahan nila ng mas higit pang kompetitibong labanan hindi lang sa regional races kundi maging sa National Finals ngayong taon.

Si Rudy Biscocho pa rin ang mananatiling National race organizer at race director ng lahat ng events.

HUNYO

MAAGANG

MARATHON

METRO MANILA

MILO MARATHON

MILO SPORTS EXECUTIVE JACKBY JAIME

NAGDESISYON

NATIONAL FINALS

NATIONAL MILO MARATHON

SI RUDY BISCOCHO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with