Mindanao Games sa Cagayan de Oro na
March 6, 2002 | 12:00am
Idinisenyo ang Mindanao Friendship Games upang i-promote ang katahimikan at pagkakaisa sa pagitan ng mga Muslims at Christians sa pamamagitan ng sports na gaganapin sa Cagayan de Oro sa Nobyembre matapos ang matagumpay na inagurasyon nito noong nakaraang taon sa Tubod, Lanao del Norte.
Ito ang inihayag ni PSC commissioner William Butch Ramirez ng maging panauhin ito kahapon sa PSA Forum sa Holiday Inn Hotel.
Sinabi pa ni Ramirez na nakatakdang magpulong ang mga top opisyal ng Cagayan de Oro at PSC sa susunod na linggo.
Si Ramirez ay ninombrahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na manatili bilang PSC commissioner sa kabila ng malawakang revamp sa government sports agency at ayon sa kanya, inaasahan niyang darating sa Manila sa Martes sina Cagayan de Oro Mayor Vicente Emano at Misamis Oriental Gov. Antonio Kalingin.
Inimbitahan ni Ramirez, tubong Mindanao ang mga atleta mula sa Brunei, Indonesia at Malaysia na sumali sa multi-event na bukas para sa lahat ng atleta na di tulad ng sa Palarong Pambansa na nakareserba lamang ito sa mga atleta na may edad 18 anyos pababa.
Aabot sa 15 sports disciplines ang pinaglabanan noong nakaraang taon kung saan ang Cagayan de Oro ang siyang sumungkit ng overall championship na may 29 gold medals, sumunod ang Iligan City na may 23. Ngayong taon, isasama na ang dancesports at golf at iba pang indigenous sports.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest