Greenhills Non-Masters Active Chessfest

Umaatikabong salpukan ng mga bata at de-kalibreng non-master chess players ang sisiklab sa Greenhills Chess Plaza ngayong Marso 10 sa sagupaang Non-Masters Active Chess Showdown.

Tinustusan ng PAGCOR at ng Hongkong Shanghai Banking Corporation (HSBC) ang pagdaraos ng seven-round Swiss System na torneo. Nakalaan dito ang P5,000 at tropeo para sa kampeon; P3,000 at tropeo sa pangalawa; P2,000 at tropeo sa pangatlo, habang P1,000 sa 4th at P500 naman sa 5th placers, ayon sa pagkakasunod.

Para sa iba pang detalye, tawagan si Boy Rabe sa 8727820.

Show comments