Pinangunahan ni Harp ang RP-Hapee sa kani-lang dalawang sunod na panalo noong nakaraang linggo upang ihatid ang kanyang koponan sa pakikisosyo sa liderato sa PBA-Samsung Governors Cup kasama ang Alaska, Red Bull at Purefoods bunga ng kanilang 3-1 win-loss record.
Si Harp ang naging bayani sa makapigil hiningang 65-64 panalo ng Hapee sa kanilang pakikipagharap sa kapwa Candidates pool na RP Team-Selecta kamakalawa matapos itong pumukol ng nagpanalong tres.
Ito ang kanyang tanging tres sa laro, ang kanyang tanging produksiyon sa ikaapat na quarter na kumumpleto ng kanyang 10-point performance bukod pa sa 8 rebounds at 1-assists.
Si Harp din ang nanguna sa 87-77 pamamayani ng Hapee kontra sa Coca-Cola noong Martes kung saan umiskor ito ng 23-puntos, 9 puntos sa ikatlong quarters kung saan kumawala ang RP squad bukod pa sa 9-rebounds, 3-assists at 1-block.
Dahil dito, walang naging kalaban si Harp para sa Player of the Week award na ipinagkakaloob ng PBA Press Corps para sa linggong Pebrero 25 hanggang Marso 4.