^

PSN Palaro

Harp, karapat-dapat sa RP squad

-
Dalawang Candidates pool na nagtra-tryout para sa National team na isasabak sa Asian Games na gaganapin sa Busan South Korea sa darating na Setyembre at ipinakita ni Davonn Harp na karapa’t dapat itong kumatawan ng bansa sa Asiad.

Pinangunahan ni Harp ang RP-Hapee sa kani-lang dalawang sunod na panalo noong nakaraang linggo upang ihatid ang kanyang koponan sa pakikisosyo sa liderato sa PBA-Samsung Governors Cup kasama ang Alaska, Red Bull at Purefoods bunga ng kanilang 3-1 win-loss record.

Si Harp ang naging bayani sa makapigil hiningang 65-64 panalo ng Hapee sa kanilang pakikipagharap sa kapwa Candidates pool na RP Team-Selecta kamakalawa matapos itong pumukol ng nagpanalong tres.

Ito ang kanyang tanging tres sa laro, ang kanyang tanging produksiyon sa ikaapat na quarter na kumumpleto ng kanyang 10-point performance bukod pa sa 8 rebounds at 1-assists.

Si Harp din ang nanguna sa 87-77 pamamayani ng Hapee kontra sa Coca-Cola noong Martes kung saan umiskor ito ng 23-puntos, 9 puntos sa ikatlong quarters kung saan kumawala ang RP squad bukod pa sa 9-rebounds, 3-assists at 1-block.

Dahil dito, walang naging kalaban si Harp para sa Player of the Week award na ipinagkakaloob ng PBA Press Corps para sa linggong Pebrero 25 hanggang Marso 4.

vuukle comment

ASIAN GAMES

BUSAN SOUTH KOREA

DALAWANG CANDIDATES

DAVONN HARP

HAPEE

PLAYER OF THE WEEK

PRESS CORPS

RED BULL

SAMSUNG GOVERNORS CUP

SI HARP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with