^

PSN Palaro

Hiso itinalagang international coordinator ng MASCO

-
Dahil sa hangarin niyang higit pang mapaunlad ang sports development program, itinalaga ni Manila Sports Council chairman Ali Atienza si dating national cyclist Rolando Hiso bilang MASCO’s international coordinator sa Amerika.

Inihayag ni Ali, anak ni Manila Mayor Lito Atienza ang nasabing appointment sa 55-anyos na si Hiso na kasalukuyang nakabase sa Chicago, na malaki ang maitutulong nito sa kanyang maraming proyekto sa layuning muling maibalik ang siyudad sa dati niyang porma sa pag-develop ng mga kabataan at sariwang talento sa ilalim ng programa ng kanyang ama na "Buhayin ang Maynila."

"Rolly is a respected member of the Filipino community in the US East Coast and his stature in the area can definitely help us in our program, especially in terms of soliciting support from our kababayan in America," anang nakababatang Atienza.

Ang pagtatalaga kay Hiso ay ginawa kasabay ng board meeting ng MASCO kamakalawa kaugnay ng nalalapit na First Manila Youth Games na iho-host ng council sa susunod na buwan.

Sa kabila nito, nangako naman si Hiso na kasalukuyang nagbabakasyon sa bansa sa paglahok ng Maynila Golden Girls sa World Series para sa 16-18 anyos sa Kalamazoo, Michigan ngayong Agosto.

Ang Golden Girls ay babanderahan ng mga manlalaro mula sa Adamson, Santo Tomas at University of the Philippines sa UAAP softball war na tumapos ng ikatlong puwesto sa kanilang unang pagsali sa World Series noong nakaraang taon.

ALI ATIENZA

ANG GOLDEN GIRLS

EAST COAST

FIRST MANILA YOUTH GAMES

HISO

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MANILA SPORTS COUNCIL

MAYNILA GOLDEN GIRLS

ROLANDO HISO

WORLD SERIES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with