^

PSN Palaro

Pinay netters patungong China

-
Aalis ngayon ang tatlong miyembro ng Philippine women’s team patungong China para sumabak sa Federation Cup, ang pinakamalaking international team tennis tournament sa daigdig.

Babanderahan nina Czarina Mae Arevalo, Ma. Edna Charise Godoy at Ana Patricia Santos ang bansa sa Asia-Ocenia Group 1 qualifying event na nakatakda sa Marso 4-10 sa Tienhe Sports Center outdoor court sa Guangzhou.

Si Arevalo ay nagwagi ng team bronze medal sa nakaraang taong KL SEA Games at kampeon ng ITF Juniors sa Vietnam at Thailand. Inangat naman ni Godoy ang UST sa pagkopo ng titulo sa pamamagitan ng sweep sa UAAP at naglaro naman si Santos sa RP team sa ASEAN University Games sa kaagahan ng taong ito.

Gigiyahan ni Martin Misa, RP Davis Cup coach (1991-97) at team captain (1998-2000) ang girls team sa 11-nation tournament na magdedetermina kung aling koponan ang siyang ibabagsak o iaangat mula sa World Group sa susunod na taon.

Ang iba pang bansang kalahok ay ang Thailand, Indonesia, Hongkong, Chinese Taipei, India, Japan, Korea, New Zealand,Uzbekistan at host China.

ANA PATRICIA SANTOS

ASIA-OCENIA GROUP

CHINESE TAIPEI

CZARINA MAE AREVALO

DAVIS CUP

EDNA CHARISE GODOY

FEDERATION CUP

MARTIN MISA

NEW ZEALAND

SI AREVALO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with