^

PSN Palaro

Kahit na idol, Avila pababagsakin si Gerry

-
Bagamat iniidolo ni WBC International super flyweight champion Joel Avila ang dating world champion at kasalukuyang international king na si Gerry Peñalosa, sinabi nito na plano niya itong pabagsakin sa kanilang nakatakdang paghaharap sa Makati Coliseum sa Sabado bilang main event ng blockbuster fight card na tinaguriang ‘Mayhen sa Makati.’

Si Avila na umiskor ng impresibong panalo kontra Junver Halog noong nakaraang December 22 ay nag-training ng husto kung saan naniniwala ang humahawak sa kanya na ito ay isang " a chance of a lifetime."

Sinabi ng trainer ni Avila na si Leonardo ‘Ambo" Pablo na ang kanyang fighter ay mayroong "fifty-fifty chance" na manalo ng titulo at makuha ang karapatang mapasabak sa kasalukuyang WBC super flyweight champion na si Masamori Tokuyama na inutusan ni WBC president Jose Sulaiman na bigyan si Peñalosa ng isang rematch sa Setyembre.

Isa sa inaasahang pagtutuunan ng atensiyon ni Avila ay ang "punching power" ni Peñalosa na mayroong ring record na 27 knockouts sa 43 panalo at apat na talo, tatlo rito ay mula sa kontrobersiyal title fight at isang draw.

Hawak naman ni Avila ang record na 25-8-3 na may 12 KOs at sinabi nito na "If I can take his punch, then Gerry has a fight in his hands."

Sa parte naman ni Peñalosa na kakaibang fighter ang makikita ng mga manonood sa dahilang, isa siyang gutom na fighter na naghahangad na muling ibangon ang kanyang reputasyon at mabawi ang world title.

Sa main supporting bout, makakaharap ni WBC International bantamweight champion Abner Cordero si Raffi Aladi ng Baguio City sa 10-rounds bout, habang sa iba pang laban, tampok naman ang paghaharap nina No. 6 light flyweight Gerald Ubatay at LUZPROBA No. 1 Enting Ignacio at No. 8 super flyweight Rolando Gerongco ng Cebu na mapapasabak sa No. 9 Flash Morillo.

vuukle comment

ABNER CORDERO

AVILA

BAGUIO CITY

ENTING IGNACIO

FLASH MORILLO

GERALD UBATAY

GERRY PE

IF I

JOEL AVILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with