Parks bumandera sa Spring Cooking Oil
February 27, 2002 | 12:00am
CEBU CITY-Muling ipinamalas ng seven-time PBA Best Import Bobby Parks ang pormang nagputong sa kanya ng titulo nang kanyang banderahan ang Spring Cooking Oil sa pagsungkit ng ikatlong sunod na panalo matapos igupo ang RP Youth Team, 88-77 at umusad na lamang ng isang panalo patungo sa finals ng Cebu Basketball League Presidents Cup sa Cebu Coliseum dito.
Humakot si Parks ng 24 puntos na karamihan nito ay halos mula sa second half kung saan nagawang supilin ng Oil Makers ang tangkang pagsorpresa ng Nationals.
Nakakuha rin ng malaking tulong si Parks mula kina Carlo Espiritu at Joel Co na tumapyas ng tig-17 puntos, habang 12 naman ang kay Mike Buendia.
Kailangan na lamang ng Spring na maipanalo ang isa sa kanilang dalawang laro sa elimination kontra sa ML Kwarta Padala at Osaka Iridology upang makuha ang unang finals seat.
Sa iba pang laro, nalasap ng ML Kwarta at Osaka ang kanilang ikalawang dikit na kabiguan.
Diniskaril ng M. Lhuillier Jewelers ang kanilang sister team ML Kwarta, 78-92, habang dinurog naman ng Guardo-Pampanga Stars ang Osaka, 58-77.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended