^

PSN Palaro

Martes may pag-asa na makakuha ng ginto sa Asian Games

-
Ipinagpatuloy ni Cristabel Martes ang pagbibigay ng mataas na morale sa pag-asa ng bansa na makuha ang ginto sa Asian Games ngayong darating na Setyembre matapos na magpamalas ng impresibong performance ng tumapos ito ng ikaapat na puwesto sa overall sa katatapos lamang na 8th Asian Marathon Championships sa Hongkong.

Ang 23-anyos na si Martes, tubong La Trinidad, Benguet ay nakipagsabayan ng lakas sa 42-kilometrong distansiya mula sa mga mahuhusay na runners sa Asia at nagtala ito ng tiyempong dalawang oras, 45-minuto at 48 segundo na mas maganda kumpara sa kanyang personal best na 2:48:48 at sa Southeast Asian Games mark na 2:52:43.

Tinalo ni Martes, tumapos sa likod ng mga tigasing runners na sina Zhang Shu Jing ng China (2:36:27) at Kiuchi Mio (2:38:35) at Yoshimura Hideko ng Japan (2:42:21) ang mga mahuhusay ring runners mula sa Kazakhstan, Uzbekistan, Turmenistan, India, Sri Lanka at Nepal.

Nakuntento lamang ang 32 gulang na si Roy Vence sa 13th puwesto sa overall matapos na dumanas ng pagkahilo at pagsusuka sa kalagitnaan ng karera makaraang kumuha ng ilang pagkain na iniaalok sa mga kalahok sa gitna ng kalsada.

ASIAN GAMES

ASIAN MARATHON CHAMPIONSHIPS

CRISTABEL MARTES

KIUCHI MIO

LA TRINIDAD

ROY VENCE

SOUTHEAST ASIAN GAMES

SRI LANKA

YOSHIMURA HIDEKO

ZHANG SHU JING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with