^

PSN Palaro

May babagsak sa Peñalosa vs Avila boxing

-
Sa kabila ng hindi gaanong masalita ang fighter na si Joel Avila, makikita sa kanyang mga porma at galaw ang dahilan kung bakit tila magiging maliit ang tsansa ng dating world champion na si Gerry Peñalosa sa nalalapit nilang laban.

"Hindi rin naman puwedeng magkumpiyansa. Pero magandang laban ito," pahayag ng trainer ni Gerry na si Carl Irving Peñalosa nang dumalo ito kahapon sa PSA Forum upang i-promote ang 12-round fight na tinaguriang "Mayhen at Makati" para sa World Boxing Council International superflyweight title sa Marso 2.

"At sigurado may babagsak," dagdag pa ni Irving.

Isa man sa dalawang boksingero ay hindi binigyan ng garantiya ng nakatatandang Peñalosa.

"Tingnan na lang natin. Basta bibigyan ko siya (Gerry) ng magandang laban," pahayag naman ng 26-anyos na si Avila, tubong Samar.

Ngunit sinabi ni Gerry na nasa magandang kundisyon ang kanyang pangangatawan at nakahanda siya sa nakatakdang laban sa Marso 2.

"Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya, dahil ito na ang huling tsansa ko para muling mapasabak sa world title fight," sabi naman ni Peñalosa.

vuukle comment

AVILA

CARL IRVING PE

GAGAWIN

GERRY

GERRY PE

IRVING

JOEL AVILA

MARSO

WORLD BOXING COUNCIL INTERNATIONAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with