^

PSN Palaro

Bagong import ipaparada ng FedEX at Sta.Lucia

-
Umarangkada ang Coca-Cola Tigers sa ikalawang quarter at naging matatag sa second half tungo sa kanilang 85-79 panalo kontra sa San Miguel Beer sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Samsung-PBA Governors Cup sa Ynares Center sa Antipolo kagabi.

Pinagbidahan ni Fred Williams ang umaatikabong 17-4 run sa ikala-wang quarter kung saan kumana ito ng 10 puntos sa kanyang tinapos na 31 puntos tungo sa 39-25 bentahe ng Coca-Cola.

Ito ang ikalawang sunod na pagkatalo ng San Miguel sa gayundin karaming laro na umasa lamang ng 1 puntos kay Keith Hill na nakatakdang palitan ni Mario Bennet na dumating na sa bansa.

Umabot sa 15 puntos ang kalamangan ng Tigers, 55-40 sa ikatlong quarter at tanging nagawa lamang ng San Miguel ay bahagyang makalapit sa 66-72 sa ikaapat na yugto at lubusang dumikit sa 79-83 ilang segundo na lamang ang nalalabing oras sa labanan.

Samantala, isasabak ngayon ng FedEx Express at ng Sta. Lucia Realty ang kani-kanilang bagong imports sa magkahiwalay na laro ngayon sa pagdako ng aksiyon sa Cuneta Astrodome sa Pasay.

Ipaparada ng FedEx si Tim Moore sa kanilang pakikipagharap sa Shell Velocity sa pambungad na laban sa ganap na alas-4 ng hapon, habang isasalang naman ng Sta. Lucia si Victor Thomas sa kanilang pakikipagsagupa sa Barangay Ginebra sa main game, dakong alas-6 ng gabi.

Kakaliskisan ng Turbo Chargers si Moore na pumalit kay Rhoderick Rhodes na di gaanong naasahan ng Express sanhi ng kanilang pagka-talo sa kanilang naunang dalawang laro.

Masusubukan naman ang 25-gulang na si Thomas na nakalista sa taas na 6’7, bilang kapalit ni Johnny Taylor na nagkaroon ng injury sa likod.

Si Thomas ay naglaro sa American Basketball Association para sa Indiana Legends kung saan nagtala ito ng 23.6 pts. per game, 8.0 rebounds at 2.3 assists.

Inaasahang ibayong tulong ang maibibigay ni Moore kay Jamaine Walker upang makabawi sa kanilang 62-66 pagkatalo sa Coca-Cola noong opening day na sinundan ng 99-107 kabiguan kontra sa Red Bull noong Linggo. (Ulat ni Carmela Ochoa)

AMERICAN BASKETBALL ASSOCIATION

BARANGAY GINEBRA

CARMELA OCHOA

COCA-COLA

COCA-COLA TIGERS

CUNETA ASTRODOME

FRED WILLIAMS

GOVERNORS CUP

INDIANA LEGENDS

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with