^

PSN Palaro

Blu Detergent kampeon

-
CEBU CITY-Nagpamalas ang Blu Detergent nang mahigpit na laban hanggang sa kahuli-hulihang sandali upang idispatsa ang Montana Pawnshop, 63-57 at isukbit ang 1st Cebu Basketball Federation-Philippine Basketball League Partnership Cup sa Cebu City Coliseum dito kaha-pon.

Inilabas lahat ni Lou Ga-tumbato ang kanyang husay nang kumana ito ng 15-puntos kung saan kumana rin siya ng krusiyal na basket sa end-game katulong si Jacques Gottenbos upang mapagwagian ang kanilang best-of-three championship series sa 2-1.

Ito ang ikalawang korona para kay coach Leo Isaac matapos na igiya ang Ana Freezers sa kanilang ikalawang titulo noong 1998.

Bumawi ang Detergent Kings mula sa kanilang masamang panimula nang kanilang agawin ang tempo ng laro sa final canto, bagamat nananatiling banta ang Jewelers sa 53-54, may 3:34 ang oras nagawa pa rin nilang maidispatsa ito.

Isang jumper at tres ni Gottenbos na sinundan ng dalawang sunod na basket ni Gatumbato ang naglayo sa Blu sa 63-55, 2:23 na lamang sa laro.

vuukle comment

ANA FREEZERS

BLU

BLU DETERGENT

CEBU BASKETBALL FEDERATION-PHILIPPINE BASKETBALL LEAGUE PARTNERSHIP CUP

CEBU CITY COLISEUM

DETERGENT KINGS

JACQUES GOTTENBOS

LEO ISAAC

LOU GA

MONTANA PAWNSHOP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with