PSC obligado na tustusan ang gastusin kahit kapos sa budget
February 22, 2002 | 12:00am
Sa likod ng kapos na budget ng bansa, obligado pa rin ang Philippine Sports Commisison (PSC) na tustusan ang mga gastos ng ahensiya tulad ng nalalapit na paglahok ng bansa sa Asian Games sa Busan, Korea sa September, ang ibat ibang palaro at ang pagbabayad ng namanang utang mula sa nakaraang administrasyon.
"We do have money, but its limited so Ive been asking everybody to help the PSC to raise our fund," pahayag ni PSC chairman Buhain sa kanyang kauna-unahang weekly session sa VIP room ng Administrative building sa Rizal Memorial Complex kahapon.
Naglaan ang PSC ng P30 milyon para sa paglahok ng bansa sa Asiad di pa kasama rito ang hotel, equipment, biyahe at iba pang gastos para sa mga opisyal at atleta na ang bilang ay umaabot na sa 132-katao, na nag-qualify na.
Gagastusan din ang pagbabalik ng Palarong Pambansa ng P46 milyon na tuloy na tuloy na sa Mayo 12 na idaraos sa Naga City matapos atasan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo si Budget Secretary Emilia Boncodin na ibigay kay Buhain ang naturang halaga para sa pagdaraos ng naturang Palaro na hindi idinaos noong nakaraang taon.
Para naman sa Republic Act 9064 na kilala bilang Sports Benefits and Incentives Act of 2001, nagkasundo na sina PAGCOR Chairman Efraim Genuino at ang PSC para sa pondo at implementasyon ng naturang batas kung saan 340-katao ang mabebenipisyuhan.
Maging ang Pangulong Arroyo ay magbibigay ng pondo galing sa Presidential Social and Welfare fund na igugugol naman para sa mga pangangailangan ng mga atleta tulad ng mga gamot, pagpapaayos ng mga athletes quarters, equipments, uniporme at iba pa.
Sinabi rin ni Buhain na plano ng PSC na magkaroon ng isang national open championships para sa lahat ng sports sa susunod na taon na hindi lamang pagbabasehan ng qualifiers para sa international meets kundi maganda ring training ground para sa pagdaraos ng Southeast Asian Games para sa taong 2005.
Tinatayang gagastos din ang PSC ng mahigit kumulang P40 milyon para sa pagdaraos nito na kanilang nais simulan sa susunod na taon.
Kailangan ding bayaran ng PSC ang P65 milyong naiwang utang ni dating PSC Chairman Butch Tuason sa mga suppliers ng equipment at utang sa bangko, na umabot na sa P28 milyon mula sa P20 milyon dahil sa interest. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest