Bukod sa Peñalosa-Avila bout, sasabak din sa aksiyon para sa main supporting bout si WBC International bantamweight champion Abner Cordero, sariwa pa sa kanyang madugong pakikipaglaban kontra Joel Junio sa San Fernando, Pampanga noong nakaraang taon kontra No. 2 featherweight contender Raffy Aladi, isang boksingero mula sa Baguio City sa 10-round fights.
Tampok din sa undercard sina No. 6 light flyweight Gerald Ubatay kontra Luzon Professional Boxing contender, Rolando Gerongco mula sa Cebu City na rated No. 8 na haharap sa No. 8 Flashy "Flash" Morillo sa dalawang karagdagang ten round bouts.
Nagbalik na kahapon si Peñalosa sa Manila matapos ang kanyang training sa Baguio City sa gym ng Amateur Boxing Association of the Philippines.
Nasa magandang kondsiyon ang dating world champion na pinangakuan ng isang mandatory shot para sa world crown na kasalukuyang hawak ni Japan-born North Korean Masamori Tokuyama sa mga sparring session kay Aladi.
Sinabi ni Peñalosa na kailangan niyang manalo ng impresibo kontra Avila, isang mahigpit na challenger upang maging karapat-dapat sa ipinangako sa kanyang title shot ni WBC chairman Jose Sulaiman na kasalukuyang siyang may hawak ng protestang inihain ng manager ni Peñalosa na si Atty. Rudy Salud sa nakaraang WBC convention sa Pattaya, Thailand.
Iprinotesta ni Salud ang pagkabigo ng referee na patawan ng parusa si Tokuyama dahil sa paulit-ulit nitong head-butts na siyang dahilan upang magkaroon ng sugat ang Pinoy pug, gayundin ang ilang bilang ng mga low blows.
Ang kabiguan ni Peñalosa kay Avila ang siyang tuluyang kikitil sa tsansa nito na makamit ang kanyang inaasam na world title fight na siguradong magreresulta ng tuluyan na rin niyang pagreretiro.
Sinabi ni Avila na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para lamang talunin si Peñalosa at puwersahin itong pagretiruhin.