Ito ang unang international exposure ng dalawang runners matapos ang kanilang matagumpay na pagkopo sa 2001 SEA Games mens and womens titles upang maging bahagi sa siyam na gintong napagwagian ng athletics team sa KL biennial meet.
Nagdesisyon ang Philippine Amateur Track and Field Association na tanging ang mga manlalarong may malakas na potential na makakakuha ng medalya sa nalalapit na quadrennial meet na nakatakda sa September sa Busan, Korea ang siya nilang ipapadala.
Gagamitin nina Vence at Martes ang kanilang pagsabak kontra sa mga mahuhusay na marathoners mula sa Japan, Korea, Thailand, Jordan, Indonesia, Chinese-Taipei, India, Nepal, Laos, Macau, Cambodia, Iran at host Hongkong na maging bahagi ng kanilang training upang mag-qualify sa National team na ipadadala sa Asian Games.