^

PSN Palaro

Vence, Martes tatakbo sa Asian Marathon Championships sa HK

-
Ipapamalas nina Southeast Asian Games marathon king and queen na sina Roy Vence at Cristabel Martes ang pormang nagputong sa kanila ng titulo kontra sa iba pang mahuhusay na runners sa rehiyon at Asia sa paglahok sa Eight Asian Marathon championships sa Feb. 24 sa Hongkong.

Ito ang unang international exposure ng dalawang runners matapos ang kanilang matagumpay na pagkopo sa 2001 SEA Games men’s and women’s titles upang maging bahagi sa siyam na gintong napagwagian ng athletics team sa KL biennial meet.

Nagdesisyon ang Philippine Amateur Track and Field Association na tanging ang mga manlalarong may malakas na potential na makakakuha ng medalya sa nalalapit na quadrennial meet na nakatakda sa September sa Busan, Korea ang siya nilang ipapadala.

Gagamitin nina Vence at Martes ang kanilang pagsabak kontra sa mga mahuhusay na marathoners mula sa Japan, Korea, Thailand, Jordan, Indonesia, Chinese-Taipei, India, Nepal, Laos, Macau, Cambodia, Iran at host Hongkong na maging bahagi ng kanilang training upang mag-qualify sa National team na ipadadala sa Asian Games.

vuukle comment

ASIAN GAMES

BUSAN

CHINESE-TAIPEI

CRISTABEL MARTES

EIGHT ASIAN MARATHON

FEB

GAGAMITIN

PHILIPPINE AMATEUR TRACK AND FIELD ASSOCIATION

ROY VENCE

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with