Gins nilaklak ng Purefoods
February 20, 2002 | 12:00am
Malabakod na depensa ang ipinamalas ng Purefoods TJ Hotdogs upang pasadsarin ang kanilang kapatid na kumpanyang Barangay Ginebra sa makapigil hiningang 60-58 panalo sa pag-usad ng eliminations ng Samsung-PBA Governors Cup sa Phil-Sports Arena kagabi.
Naging susi sa panalong ito ng Purefoods si import Derrick Brown na umiskor ng 11 puntos sa kanyang tinapos na 37-puntos sa ikaapat na quarter kabilang ang three-point play na nag-bigay sa TJ Hotdogs ng kalamangan na kanilang naging tuntungan sa ikalawang dikit na panalo.
Nalimitahan ng Purefoods ang Ginebra sa 8-puntos lamang sa ikaapat na quarter kontra sa 17-puntos ng Hotdogs at hindi na nakaiskor sa huling tatlong minuto ng labanan para sa kanilang ikalawang sunod na kabiguan.
Sinapawan nina imports Bubba Wells at Jerrord Gee ang eksplo-sibong laro ni Brown sa unang bahagi ng labanan upang ihatid ang Ginebra sa 37-30 kalamangan sa halftime.
Ipinakita ng Gin Kings na hindi malaking kawalan sina Jun Limpot, Bal David at Banjo Calpito na di nakapaglaro bunga ng ibat ibang injuries nang kanilang iposte ang 8-puntos na kalamangan matapos ang 12-2 run na pinagbidahan ni Wells at iposte ang 38-25 bentahe mula sa triple ni Vergel Meneses.
Matapos ang dalawang quarters, sina Wells at Gee ay may pinagsa-mang 25-puntos. Si Gee ay nakapagposte ng 10-puntos sa first half pa lamang na napakalaking improvement mula sa kanyang nakakadismayang performance sa kanyang debut game.
Nagtala lamang si Gee ng 5-puntos sa kanilang out-of-town game kontra sa Alaska noong Biyernes kayat walang nakatulong si Wells na naging sanhi ng kanilang 63-68 pagkatalo sa Malolos, Bulacan.
Humakot si Brown ng 18-puntos sa first half pa lamang ngunit ang kanyang partner na si Leonard White ay nagtala lamang ng 4-puntos matapos ang dalawang quarters at wala ring umangat na locals.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended