Segarra nasilat ni Hernaez sa Metro Chess Club Non-master tourney
February 19, 2002 | 12:00am
Tinalo ng seventh seed Truman Hernaez ang ranked No. 2 Randy Segarra sa seventh at final round upang dominahin ang February edition ng Metropolitan Chess Club Non-master chess tournament na ginanap noong nakaraang linggo sa Greenhills Shopping Center.
Naglaro na hawak ang itim na piyesa, nanaig ang 25-anyos na si Hernaez ng Bacoor, Cavite sa knight at pawn endgame at napuwersa si Segarra na mag-resign makaraan ang 45-sulungan ng Caro-Kann upang palakasin ang kanyang final na tally sa 6.5 puntos matapos ang ikapitong round ng paglalaro sa isang araw na event na ito na nilahukan ng 126 players.
Sa katunayan, nakatabla si Hernaez sa una hanggang ikalawang puwesto kay ranked No. 23 Jessie Sinangote na nanaig naman kontra sa sixth seed at pipit-binging si Liolen Tubianosa sa 32 moves ng Kings Indian defense. Mas mataas ang median bucholz tie-break points ni Hernaez para makuha ang titulo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am