Tinalo ni Bustamante si Al Haji, 11-2 at ginapi naman ni Andam si Al Junibi, 11-6 at umusad sa second day ng 9-ball meet na nilahukan ng 16 top players mula sa ibat ibang bansa para sa ka-kaibang premyo na ginto at tropeo.
Ang mananalo ay mag-uuwi ng isang kilong ginto at tropeo, kalahating kilo naman sa 2nd placer, habang ang 3rd at 4th placers ay tig-1/4 ginto.
Hindi lumaro si Efren Bata Reyes na siyang nanguna sa koponan kung saan siya ay inimbitahan sa nasabing tournament para maging special guest at lalaro lamang ito ng mga trick shots at exhibition matches.