RP boxers sali sa pa-boksing sa Panagbenga Flower Festival
February 17, 2002 | 12:00am
BAGUIO CITY -- Magpapakita ng aksiyon ang National boxing squad na sumabak sa nakaraang Southeast Asian Games at sa 2000 Olympics sa boxing extravangaza na magsisilbing bahagi sa pagdiriwang ng Panagbenga Flower Festival.
Ang nasabing boxing fest ay lalahukan ng mga mahuhusay na boksingero ng bansa na kinabibilangan ng mga dating Olympians para sa Revicon Boxing Challenge sa Peb. 23 sa Baguio-Filipino Chinese Hospital.
Inaasahang lalahok sina Internationalists Arlan Lerio, Larry Semiliano, Romeo Brin at Anthony Igusguiza sa tournament na ito na tatampukan ng 10-bout competition.
Ang iba pang magpapakita ng aksiyon ay sina Harry Tanamor at Lhyven Salazar para sa 48 kilogram division; Violito Payla at Rene Villaluz na eentra sa 51-kg. class; Vincent Palicte at Lerio sa 54-kg. division; Roel Laguna na haharap kay Genebert Sassadro sa 57-kg. class; Igusguiza na sasagupa naman kay Joegen Ladon sa 60-kg. at magbabasagan naman ng mukha sina Semillano at Brin sa 63.5-kg.
Maghaharap sina Marcial Chavez at Francis Joven (71-kg); Maraon Golez na makikipagkita kay Maximo Tabangcora Jr., (75-kg); haharapin ni Bill Vicera si Dodfrey Castro (48-kg) at aakyat naman sa lona sina Warlito Parrenas at Francis Albia (51-kg).
Tampok din sa event ang female bouts na lalahukan nina Alice Appari vs Naomi Pekeng sa 45-kg. at Librada Tamson kontra Glain Perdocho sa 48-kg., class.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended