Bayno hiniya ng Purefoods
February 17, 2002 | 12:00am
Hiniya ng Purefoods TJ Hotdogs ang American coach na si Billy Bayno na tumayong coach ng Talk N Text Phone Pals sa likod ng kontrobersiyang hinaharap laban sa Basketball Coaches Association of the Philippines.
Bumangon ang TJ Hotdogs mula sa 16-puntos na pagkakahuli at hindi pinaporma ng Purefoods ang dalawang imports ng Phone Pals na sina Jerald Honneycutt at Richard Frahm sa huling maiinit na segundo ng labanan upang iposte ang 92-89 panalo sa pagpapatuloy ng PBA Samsung Governors Cup sa Araneta Coliseum kagabi.
Dahil dito, gagawa na ng legal na hakbang ang BCAP na pinamumunuan ni Chito Narvasa lalo pat hindi tumupad sa usapan ang Talk N Text na si Frankie Lim ang tatayong coach at consultant lamang si Bayno.
Kahapon ng alas-2 ng hapon, ipinaalam ng kampo ng Phone Pals kay Narvasa na handa silang lumaban sa korte kayat si Bayno ang tumatawag ng mga plays para sa Talk N Text na hindi naman umubra sa mga kamay ni coach Ryan Gregorio na nasa likod ng bench para umasiste sa kanyang koponan.
"They drew the first blood," ani Narvasa sa isang telephone interview. "We will work on this quitely, we will find out kung sino ang kumuha ng DOLE (Department of Labor and Employment) permit, kung sino ang nagbigay.
Matapos maiposte ng TJ Hotdogs ang 9-puntos na kalamangan bunga ng 16-2 turnover violation ni Honneycutt na naka-foul kay Alvin Patrimonio na umiskor ng dalawang free throws para sa 92-86 kalamangan, 7.4 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.
Samantala, magpapatuloy ang aksiyon ngayon sa paghaharap ng FedEx at Red Bull na susundan ng sagupaan sa pagitan ng Shell at Coca-Cola sa Araneta Coliseum. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am