^

PSN Palaro

Jamaili magbabalik sa ring

-
Muling magbabalik ang dating World Boxing Organization (WBO) Strawweight champion Eric Jamili sa ibabaw ng lona sa kanyang pagsabak sa isang non-title fight na 8-rounds sa minimum division.

Haharapin ni Jamili si Alfred Nagal sa nalalapit na boxing event na presinta ng Elorde International Productions sa ilalim ng premier boxing promoter Gabriel "Bebot" Elorde Jr., ngayong Linggo Peb. 17 simula sa alas-6 ng gabi sa Elorde Sports Complex sa Parañaque City.

Huling sumabak sa aksiyon si Jamili noong Hunyo 4 kontra George Arcenal na ginanap sa Guam, USA. Si Jamili ay agad na napabagsak ni Arcenal sa loob lamang ng ilang segundo ng kanilang laban.

Kinoronahan ni Jamili ang kanyang sarili bilang World Boxing Organization (WBO) Strawweight champion noong Dec. 19, 1997 na ginanap sa London, England. Nagwagi si Jamili sa pamamagitan ng technical knockout sa 8th round kontra England’s Mickey Cantwell upang makopo ang bakanteng titulo.

At sa Linggo, sisikapin ni Jamili na muling maibalik ang dati niyang porma kung saan tangka niyang agad na matalo si Nagal.

Ang iba pang laban sa event na ito ay ang sagupaan sa pagitan nina Junie Coma-Roy Tarazona para sa 10-rounds ng flyweight division bilang supporting bouts.

ALFRED NAGAL

ELORDE INTERNATIONAL PRODUCTIONS

ELORDE JR.

ELORDE SPORTS COMPLEX

ERIC JAMILI

GEORGE ARCENAL

JAMILI

JUNIE COMA-ROY TARAZONA

LINGGO PEB

MICKEY CANTWELL

WORLD BOXING ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with