Dahil dito, malaki ang makukuha ng gymnastics, wushu, fencing, shooting at ang athletics na nanalo ng 9-golds, 10-silvers at 4-bronzes sa nakaraang SEAG.
Pinakamalaki ang makukuha ng gymnastics na 9.6 milyon bagamat nag-uwi lamang ito ng dalawang silver at apat na bronzes, kasunod ang wushu na may P9.4 milyon sa kanilang 4-golds, 2-silvers at 4-bronzes na performance.
Ang fencing at shooting ay parehong makakakuha ng P9.2 milyon na may tig-dalawang ginto, 9-silvers at 6 bronzes lamang, habang ang athletics na siyang pinakaproduktibo sa nakaraang Asiad ay may P8.8 milyon.
Ang cycling na nag-uwi ng tatlong silver at apat na bronzes ay binigyan ng P7.4 milyon habang P6 milyon naman ang makukuha ng boxing na may dalawang silver at 5-bronzes mula sa SEA Games.
Ang billiards na may 3-6-1 performance ay may P4.8 milyon, P4.6 milyon sa taekwondo matapos ang 3-5-5 showing, P4.8 para sa 1-3-5 performance ng judo at P3.7 sa karatedo na may 2-1-5 performance.
Ang swimming ay may P7.2 milyon, P6.8 sa football, P6 milyon sa rowing, P5.1 sa pencak silat, P4.1 sa lawn tennis at P3.4 sa golf.