Hapee-RP team vs Sta. Lucia
February 16, 2002 | 12:00am
Matapos makilatisan ang RP Team Selecta, isasalang naman nga-yon ang isa sa dalawang Candidates team para sa Asian Games, ang RP Team Hapee.
Ang Sta. Lucia Realty ang susukat ng lakas ng RP Squad sa main game ng dala-wang laro ngayon sa PBA Samsung Governors Cup na idaraos sa Araneta Coliseum.
Magpapang-abot ang Realtors at ang Hapee sa dakong alas-6:00 ng gabi pagkatapos ng engkuwentro ng Purefoods TJ Hotdogs at ang kontrobersiyal na koponan ngayong Talk N Text na sisimulan sa dakong alas-4:00 ng hapon.
Tututukan din ang unang laro dahil sa kontrobersiyal na American coach na si Billy Bayno na siyang pinag-iinitan ngayon ng Basketball Coaches Association of the Philippines sa pangunguna ni Chito Narvasa.
Diumanoy nakakuha na ng working permit si Bayno mula sa Department of Labor and Employment kayat pauupuin ito ng Phone Pals bilang coach ngunit itoy siguradong magmimitsa ng malaking kaguluhan matapos mangako ang BCAP na gagawin nila ang lahat upang di makapuwesto si Bayno.
Ngunit hanggang sa sinusulat ang balitang ito ay hindi pa dumarating ang working permit ni Bayno mula sa DOLE.
Ngunit idiniin ni team manager Frankie Lim na oras na lumabas na ang working permit ay agad nilang ipupuwesto bilang coach ang Amerikano.
Pansamantalang sina assistant coaches Aric Del Rosario at Ariel Vanguardia ang mamahala sa team habang hindi pa nakaupo si Bayno.
Makakaliskisan din ngayon ang dalawang bagong saltang imports ng Realtors na sina Lelan McDougal at Johnny Taylor laban sa Hapee team.
Makakaharap ni Marlou Aquino ang kanyang koponan matapos nitong piliing maglingkod sa bansa at makakatulong nito ang magkapatid na sina Andy at Danny Seigle, Mick Pennisi at Davonn Harp ng Red Bull at Danny Ildefonso ng San Miguel Beer.
Kabilang din sa RP team sina Boyet Fernandez, Don Camaso, rookie Renren Ritualo, Jeffrey Cariaso, Johnny Abarrientos, EJ Feihl, Noy Castillo at Rudy Hatfield.
Ipaparada rin ng Phone Pals ang kanilang bagong import na si Richard Frahm na makakatulong ng balik-PBA na si Jerald Honneycutt na tatapatan naman ng baguhang si Leonard White at ang isa ring balik-PBA na si Derrick Brown para sa Purefoods.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am