^

PSN Palaro

13 pang atleta tatanggap ng GMIAP mula sa PSC

-
Tinupad ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Eric Buhain ang kanyang pangako na uunahin niyang asikasuhin ang mga pangangailangan ng mga atleta nang kanyang aprubahan kamakailan ang pagbabayad sa 13 nalalabing aplikante para sa Gratuity and Monthly Incentive Allowance Plan (GMIAP).

"Some of these beneficiaries are either sick, dead or without any means of livelihood. It is indeed a shame to neglect these past heroes who have brought honor and glory to our country," pahayag ni Buhain.

Layunin ng GMIAP na nilikha noong 1997 sa pamamagitan ng Administrative Order No. 352 na mabigyan ng insentibo ang mga atletang Pinoy na naging bahagi sa mga nakaraang Olympics, Asian Games at World Championships.

Sa nakalipas na taon, ipinagkaloob ng PSC ang nasabing gratuity benefits sa mga atletang Pinoys gaya ni Anthony Villanueva, Roel at Onyok Velasco, Simeon Toribio, Paeng Nepomuceno, Lydia de Vega-Mercado at Mona Sulaiman.

Ang mga tatanggap ng insentibo ay ang mga swimmers na sina Dolores Agustin Gonzales, Rudy Agustin, Arnulfo Valles, Sukarno Maut, Betina Abdula Ampoc, Kemalpasa Umih at Armando Jimenez. Softball Blue Girls Carmelita Velasco, Mariquita Salazar Smith, Marietta Ballesteros, Josefina Cruz Stewart, Patricia Sta. Maria Nicdao at basketball Andres dela Cruz.

vuukle comment

ADMINISTRATIVE ORDER NO

ANTHONY VILLANUEVA

ARMANDO JIMENEZ

ARNULFO VALLES

ASIAN GAMES

BETINA ABDULA AMPOC

CHAIRMAN ERIC BUHAIN

DOLORES AGUSTIN GONZALES

GRATUITY AND MONTHLY INCENTIVE ALLOWANCE PLAN

JOSEFINA CRUZ STEWART

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with