^

PSN Palaro

Working permit ibinigay na sa 2 imports ng Express...

-
Tuluyan ng ipinagkaloob ng Bureau of Immigration and Deportation (BID) ang working permits nina Federal Express imports Rhoderick Rhodes at Jer-maine Walker upang makapaglaro sa bansa partikular na sa PBA Samsung Governors Cup matapos silang arestuhin kahapon.

Sina Rhodes at Walker ay pinayagan ng mga opisyales ng Games and Amusement Board (GAB) na magsagawa ng kani-kanilang debut game kontra Coca-Cola Tigers sa pagbubukas ng unang kumperensiya noong Linggo sa Araneta Coliseum matapos na ipakita ng management ang kopya ng BID aplikasyon ng dalawang imports para sa kanilang working permit.

Gayunman, ang pagkakaaresto sa dalawang imports ay mariing itinanggi ni Express president Lito Alvarez.

"Their personal appearance before the commission is a requirement by the Immigration. All foreigners working here in the Philippines pass through the same procedure," wika ni Alvarez. "There is nothing unusual about this very normal process."

Sina Walker at Rhodes ay sinamahan nina assistant team manager Jojo Lavina at legal counsel Atty. Manny Dionaldo

Bago ang pagkakaloob ng working permits sa naturang dalawang reinforcements ng FedEx iniutos ni BI Commissioner Andrea Domingo ang pagdakip kina Rhodes at Walker dahil sa kanilang paglabag sa Immigration laws na nagbabawal sa mga alien o dayuhan na magtrabaho sa bansa nang walang kaukulang clearance mula sa nabanggit na ahensiya.

Base sa rekord ng BI, ang Express ay naghain ng aplikasyon para sa working permit para sa kanilang dalawang imports noong Pebrero 8 sa BI extension office sa Makati City, subalit nanatili pang nakabitin ito para sa approval ng Commissioner.

Niliwanag ni Domingo na ang pagpapa-file ng working permit application nina Walker at Rodes ay hindi na-ngangahulugan na lisensiya na nila itong makapaglaro sa PBA.

Idinagdag pa ng Commissioner na inaprubahan lamang nila ang working permits ng dalawang import bandang alas-4:30 ng hapon kahapon matapos na lakarin ng kanilang abogado ang mga papeles ng kanilang imports.

Sa ngayon, mayroon ng 12 na PBA imports ang naisyuhan ng mga working permits ng nasabing ahensiya na kinabibilangan nina Jerald Honeycutt at Richard Frahm ng Talk N Text Phone Pals, Rossell Ellis Jr., at Fred Williams ng Coca-Cola Tigers, Joseph Bunn at Julius Nwosu ng Batang Red Bull, Leonard White ng Purefoods TJ Hot-dogs, Muntrell Dobbins at Ron Riley ng Alaska Aces, Askia Jones Ranman ng Shell Turbo Chargers at Charles Wells at Jarrod Gee ng Barangay Ginebra. (Ulat nina Beth Repizo at Ellen Fernando)

vuukle comment

ALASKA ACES

ARANETA COLISEUM

ASKIA JONES RANMAN

BARANGAY GINEBRA

BATANG RED BULL

BETH REPIZO

BUREAU OF IMMIGRATION AND DEPORTATION

CHARLES WELLS

COCA-COLA TIGERS

WORKING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with