Ang kampanya ng UST ay binanderahan nina Most Valuable Player Pius Ocampo upang tanggalan ng korona ng Tigers ang Ateneo de Manila, 2-0, habang pinangunahan naman ni National player Ma. Edna Charise Godoy ang Lady Tigress sa title sweep.
Kinuha ng Tigers ang 1-0 pangunguna sa best-of-three final showdown makaraang talunin ni Ocampo si Enrique Anthony Filamore, 6-0, 6-1 at tuluyan ng nakuha ang kanilang panalo matapos na magwagi ang tambalang Gabriel Edward Remigio at Art Thomas Calingasan sa doubles kontra Stanley Ong at Francis Gerard Abacan, 6-1, 4-6, 7-6 (3).
Ang iba pang miyembro ng UST contingent ay sina Art Philip Calingasan, Marco Lua at Richard Somes (mens) at Julie Ann Cadiente, Marja Bernardo, Maxine Roma Banson, Katrina Lopez at Ofelia Arribe (wo-mens).
Ang ikatlong puwesto sa mens division ay napasa-kamay ng De La Salle team na pinangunahan nina Marcial Gino Alimario at Andre Cruz, habang tumapos naman ng ikalawang puwesto sa womens squad ang La Salle na binanderahan nina Sommer Bisagas, Liza Buenbrazo, Ma. Carmelita Buning, Cristina Gomez, Janet Jill Uy at Amethyst Lorine Wytiu.