^

PSN Palaro

UST kumana ng 2 panalo

-
Umiskor ang University of Santo Tomas ng dalawang panalo sa University Athetic Association of the Philippines (UAAP) tennis tournament matapos na makopo ang men’s at women’s title noong nakaraang Linggo sa Valle Verde Country Club courts.

Ang kampanya ng UST ay binanderahan nina Most Valuable Player Pius Ocampo upang tanggalan ng korona ng Tigers ang Ateneo de Manila, 2-0, habang pinangunahan naman ni National player Ma. Edna Charise Godoy ang Lady Tigress sa title sweep.

Kinuha ng Tigers ang 1-0 pangunguna sa best-of-three final showdown makaraang talunin ni Ocampo si Enrique Anthony Filamore, 6-0, 6-1 at tuluyan ng nakuha ang kanilang panalo matapos na magwagi ang tambalang Gabriel Edward Remigio at Art Thomas Calingasan sa doubles kontra Stanley Ong at Francis Gerard Abacan, 6-1, 4-6, 7-6 (3).

Ang iba pang miyembro ng UST contingent ay sina Art Philip Calingasan, Marco Lua at Richard Somes (men’s) at Julie Ann Cadiente, Marja Bernardo, Maxine Roma Banson, Katrina Lopez at Ofelia Arribe (wo-men’s).

Ang ikatlong puwesto sa men’s division ay napasa-kamay ng De La Salle team na pinangunahan nina Marcial Gino Alimario at Andre Cruz, habang tumapos naman ng ikalawang puwesto sa women’s squad ang La Salle na binanderahan nina Sommer Bisagas, Liza Buenbrazo, Ma. Carmelita Buning, Cristina Gomez, Janet Jill Uy at Amethyst Lorine Wytiu.

AMETHYST LORINE WYTIU

ANDRE CRUZ

ART PHILIP CALINGASAN

ART THOMAS CALINGASAN

CARMELITA BUNING

CRISTINA GOMEZ

DE LA SALLE

EDNA CHARISE GODOY

ENRIQUE ANTHONY FILAMORE

FRANCIS GERARD ABACAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with