Nagtulong sina imports Rossel Ellis at Fred Williams na tumapos ng 24 at 22 puntos ayon sa pagkakasunod nang kanilang samantalahin ang maagang pagkakasibak sa laro ni FedEx import Roderick Rhodes sa ikatlong quarter.
Kumayod si Ellis ng pitong puntos sa ikatlong quarter upang makabangon ang Coca-Cola sa 7-puntos na pagkakahuli, 30-37 sa halftime habang umangat naman si Williams sa final canto upang mapreserba ng Tigers ang tagumpay.
Tatlong sunod na foul ang tinamo ni Rhodes sa ikatlong quarter kayat na-fouled-out ito, 2:24 ang nalalabing oras sa third canto at hindi nakayanang punan ng Express ang nabakanteng puwesto nito.
Dahil sa di magandang ipinakita ni Rhodes, sinabi ni FedEx team manager Lito Alvarez na kinokonsidera nila ang paghahanap ng bagong reinforcement.
Napipisil ng FedEx na kunin sino man kina dating Mobiline import Silas Mills at isang nagngangalang Tim Moore.