^

PSN Palaro

Coca-cola Tigers sumingasing

-
Nagpasiklab ang Coca-Cola Tigers nang kanilang iposte ang buwenamanong panalo kontra sa kanilang kapwa bagitong koponan na FedEx Express, 66-62 sa Samsung Governors Cup na nagbukas kahapon sa Araneta Coliseum.

Nagtulong sina imports Rossel Ellis at Fred Williams na tumapos ng 24 at 22 puntos ayon sa pagkakasunod nang kanilang samantalahin ang maagang pagkakasibak sa laro ni FedEx import Roderick Rhodes sa ikatlong quarter.

Kumayod si Ellis ng pitong puntos sa ikatlong quarter upang makabangon ang Coca-Cola sa 7-puntos na pagkakahuli, 30-37 sa halftime habang umangat naman si Williams sa final canto upang mapreserba ng Tigers ang tagumpay.

Tatlong sunod na foul ang tinamo ni Rhodes sa ikatlong quarter kaya’t na-fouled-out ito, 2:24 ang nalalabing oras sa third canto at hindi nakayanang punan ng Express ang nabakanteng puwesto nito.

Dahil sa di magandang ipinakita ni Rhodes, sinabi ni FedEx team manager Lito Alvarez na kinokonsidera nila ang paghahanap ng bagong reinforcement.

Napipisil ng FedEx na kunin sino man kina dating Mobiline import Silas Mills at isang nagngangalang Tim Moore.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

COCA-COLA

COCA-COLA TIGERS

FRED WILLIAMS

LITO ALVAREZ

RODERICK RHODES

ROSSEL ELLIS

SAMSUNG GOVERNORS CUP

SILAS MILLS

TIM MOORE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with