Coca-cola Tigers pakakawalan na
February 9, 2002 | 12:00am
Hindi man kalakasan ang line-up ng Coca-Cola Tigers, sinabi ni coach Chot Reyes na magiging palaban ito.
Pormal na ipinakilala kahapon ang mga miyembro ng Coca-Cola team sa media sa Shangri-La Makati.
"We dont have a strong line-up but what we have here is something special. In this team, what we have is commitment, hardwork, attitude, mental toughness and passion. In short, CHAMP," ani Reyes.
"What we promise is that we will be the hardest working team and we will be the hardest fighting team in the PBA and we will make the Coca-Cola proud."
Makikilatisan ang Tigers sa opening day sa kanilang pakikipagharap sa FedEx sa Linggo sa pagsambulat ng Samsung Governors Cup sa Araneta Coliseum.
Limang manlalaro ang ipapahiram ng Coca-Cola sa Candidates Pool na kinabibilangan nina Johnny Abarrientos, Poch Juinio, Rudy Hatfield, Jeffrey Cariaso at ang no. 2 rookie draft pick na si Rafi Raevis.
Dahil dito, tanging role players lamang ang naiwan sa Tigers ngunit malaki ang tiwala ni Reyes sa kanyang koponan.
Bagamat patuloy pa rin sa pakikipagnegosasyon si Bong Hawkins sa pagba-buyout ng kanyang kontrata ay hinihintay pa rin ito ng Tigers.
"We have reserve one slot for Bong Hawkins but it is something beyond our control," ani Reyes.
Ang iba pang miyembro ng koponan ay sina Freddie Abuda na siyang tatayong team captain, William Antonio, Estong Ballesteros, Lowell Briones, Allan Gamboa, Cris Bolado, Ato Morano at ang mga rookies na sina Leo Avenido, Jason Misola, Jojo Manalo at Gilbert Lao.
Ang kanilang reinforcements ay ang balik-PBA na si Rossell Ellis, ang naging import ng Pop Cola na nagsalin ng kanilang prangkisa sa Coca-Cola, at Fred Williams. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am