^

PSN Palaro

5 RP riders pasok sa top 10

-
JOHOR Baru, Malaysia -- Limang riders ng Philippines ang pumasok sa top 10 ng Asian Stage para sa pinakamagandang performance ng RP sa Le Tour de Langkawi na kinatampukan kahapon ng 172 km na paglalakbay mula sa makasaysayang Melaka hanggang sa pangunahing shipping district sa border ng Singapore.

Sa pangunguna ng second place finish ni Merculio Ramos, nagpasiklab ang mga Pinoy sa patag na ruta ng ikaanim na lap upang manguna sa Asian category at sapawan ang tour-leading Telekom All-Stars, Japan at host Malaysia sa araw na ito.

Tumawid sa finish line si Ramos sa oras na 3:39.27, pareho ng oras ng stage winner na si Graeme Brown ng Ceramiche Panaria na nanguna sa grupo ng 133-man finish.

Pinangunahan naman ni Suzuki ng Japan ang Asian category.

Nagtapos naman bilang pang-apat si Emilio Atilano, habang sina Villamor Baluyot, Warren Davadilla at Arnel Quirimit ay ikalima, ikapito at ika-10 ayon sa pagkakasunod.

Dahil dito, ang stage victory ay napasakamay ng team Philippines sanhi ng kabuuang oras na 10:58.21 na tumalo sa Malaysia, Japan at Telekom.

ARNEL QUIRIMIT

ASIAN STAGE

CERAMICHE PANARIA

DAHIL

EMILIO ATILANO

GRAEME BROWN

LE TOUR

MERCULIO RAMOS

TELEKOM ALL-STARS

VILLAMOR BALUYOT

WARREN DAVADILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with